Sa ating panahon, ekonomikally speaking mayroong dalawang klase ng tao. Mayaman at mahirap. Ngunit mayroong nasa gitna ng mayaman at mahirap, yung ang gobyerno. Dapat nasa gitna lang sila pero ngayon. tingin ko mas mayaman pa sila sa mga karaniwang mayayaman. Simpleng bagay tulad ng pag taas ng presyo ng bigas,sibuyas, at bawang ay may napakalaking epekto sa lipunan.Tulad ng isyu sa bigas. Tumaas na ito ng limang piso kada kilo. kung kaya't dalawang daan ang itinaas nito kung isang sako ang bibilhin mo. Bakit naman ito tumaas? Ang pag kaka alam natin ang NFA ang dapat kausapin o sila ang dapat lapitan tungkol sa mga bagay na yan, dahil nga sila ang namamahala sa mga bigas at palay ng bayan. Sabi nila ay tumataas daw ang presyo ng bigas dahil sa mga Kompanya na nag tataas ng presyo nito. Unang una sa lahat, sa tingin ko mahusay naman ang pamamahala ng NFA, sadyang dahil lang talaga sa mga kompanyang ito na mga kuripot at walang malasakit ay kaya tumataas ang presyo ng bigas at humihirap pa tayo. Alam ko bigas lang yan pero, kailangan dapat mo yan makita sa kainan araw araw. Hindi kontrolado ng NFA ang mga pribadong kompanya kung kaya't tingin ko ay ginawa itong advantage ng mga pribadong kompanya upang sila naman ang ma benepisyohan. Sa isyung ito kailangan ng pag babago.
Epekto ng pag taas ng presyo ng bigas. Source:philstar.com/imagesgallery |
Sa bawang naman, isa lang daw ang rason kung bakit tumaas ang presyo nito. ito ay dahil ay may isang grupo na nag mamanipula ng supply nito kung kaya't natataasan nila ang presyo nito kapag ipinamimili na nila. Sabi naman ng iba may mga kasabwat raw ang mga opisyal ng BPI at Department of agriculture.Para sa akin kalokohan lang to. Pati ba naman bawang pag sasabawatan pa ng gobyerno at nitong mga manipulators para lang sa kanilang sadya, sabihin nating bawang lamang ito ngunit sa ekonomika ang pag taas o pag baba ng isang bagay ay may malaking epekto sa lipunan.Isipin mo nalang kung dati ang isang balot ng bawang ay aabot lang sa dalawampu't piso, ngayon halos animnapu't piso na.Makaka bili ka na ng tatlong balot ng bawang sa presyo ngayon. Simpleng problema lang ito ngunit maaring makapag dulot pa ito ng kahirapan kaya dapat aksyonan ni ito ng gobyerno
Umabot na din sa media ang problemang ito ImageSource:article.wn.com/interview |
Tulad ng bigas at bawang. tumaas din ang presyo ng sibuyas. at ito ay dahil din sa price manipulation (makikita sa imahe sa itaas) ito ay kung saan ang mga traders ay tinataasan ang interes para sila ang bahala kung anong presyo ang ipapatong nila. Umabot na ito sa media, pero di pa din na sosolusyunan. Sa tingin ko dapat may sistema din ang gobyerno para jan sa mga transaction ng mga trader na yan para malaman natin kung luge ba tayo sa mga pinag gagagawa nila. Wala kasing proteksyon eh kaya nakaka trade lang sila ng walang hirap.